Masayang sinalubong ang pagbubukas ng kauna-unahang BDO Network Bank (BDONB) branch sa Mambajao, Camiguin Island, Biyernes, October 21.
Good news ito para sa mga Camiguinon dahil magiging madali na para sa kanila ang pagkuha ng mga produkto at serbisyo ng BDONB na makatutulong sa kanilang pag-asenso o sa pagsulong ng kanilang negosyo.
Ayon kay Mambajao Mayor Yñigo Jesus D. Romualdo, malaking tulong ang pagkakaroon ng BDONB sa kanilang bayan para sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng lokal na ekonomiya. Sinabi naman ni Camiguin Gov. Xavier Jesus D. Romualdo na magiging daan para mas mailapit pa sa pagbabangko ang kanyang mga kababayan kung magbubukas pa ng BDONB branches sa ibang municipalities ng Camiguin.
Ang BDONB branch sa Mambajao ay isa sa 55 branches na bubuksan ng BDONB sa buong bansa bago matapos ang 2022. Layunin nito na maaabot at mabigyan ang mga magsasaka, mangingisda at MSMEs ng oportunidad na mapaunlad ang kanilang buhay at negosyo.
Top photo, from left: BDONB Branch Head El Salvador, Misamis Oriental Emerson N. Paras
Jr.; BDONB Branch Head Camiguin-Mambajao Christopher G. Rentuma; Camiguin Gov. Xavier
Jesus D. Romualdo; Mambajao Mayor Yñigo Jesus D. Romualdo; BDONB SVP Jaime
Talingdan; BDONB Bukidnon Area Head Maricel S. Toledo.
Leftmost photo: Pinangunahan nina Camiguin Gov. Xavier Jesus D. Romualdo at Mambajao
Mayor Yñigo Jesus D. Romualdo ang ribbon cutting ng BDONB Camiguin-Mambajao Branch.
Rightmost photo: Pormal ng binuksan ang pinakabagong branch ng BDO Network Bank sa
Mambajao, Camiguin.
Leave a Reply